Nagdeklara na ng State of Calamity ang lokal na pamahalaan ng Quezon City dahil sa mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na naitala mula sa lungsod.
Nitong hapon nang ihatid ni Mayor Joy Belmonte ang anunsyo, kung saan tiniyak ang agarang paggamit sa quick response funds ng lungsod.
Layunin daw nito na magamit ang pondo para sa procurement at distribusyon ng mga kakailanganing gamit at serbisyo laban sa sakit.
Tiniyak ni Belmonte na may guidelines na silang nakahanda para sa kaligtasan ng inmates sa mga preso, mass gatherings at social events.
Mariin naman ang paalala ng alkalde sa mga estudyante ng QC na pagbabawalang pumunta ng mga mall, maliban kung may kasamang magulang.
Batay sa datos ng Department of Health, anim sa 52 COVID-19 cases sa Pilipinas ang residente ng Quezon City.