-- Advertisements --

Pinangalanan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga lugar sa kanyang lungsod kung saan nakatira ang tatlo mula sa 24 na nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang panayam binanggit ng alkalde na mula sa Baler street ng District 1 nakatira ang 57-year old na lalaking nag-positibo kahit walang travel history.

Wala naman daw sintomas na nakita sa pamilya nito pero isinailalim na sa quarantine.

Nakatira naman sa isang condominium sa Tomas Morato Avenue ang ikalawang pasyente na nasa 30-anyos ang edad.

Naka-admit daw ito sa isang ospital sa labas ng Quezon City.

Ipinagutos na umano ng alkalde ang pagpapa-disinfect sa nasabing residential establishment.

Habang taga-Project 6 ang ikatlong pasyente na isang 50-anyos na residente.

Sa ngayon hinahanap pa raw ng mga otoridad ang eksaktong address na tinitirhan nito.