Hindi makakapunta si Queen Elizabeth II sa kanyang dadaluhan dapat na Remembrance service matapos na makaranas ng “sprained back”, ayon sa Buckingham Palace.
Ito ay kahit pa malapit sa puso ng mga monarchs ang seremonyang nagbibigay nang pagkilala sa mga namayapang sundalo.
Ang sitwasyon na ito ay lalo lamang nagpapatindi sa pagaalala ng publiko sa kondisyon ng kalusugan ni Queen Elizabeth kasunod na rin ng kanyang medical leave kamakailan at pagkakasugod sa ospital para magpasuro noong nakaraang buwan.
Magugunita na pagkatapos niyang magpalipas ng gabi sa ospital ay kaagad din naman siyang bumalik sa kanyang trabaho pero tanging ang mga magagaan lamang ang kanyang inasikaso.
Hindi na nga siya dumalo pa sa UN climate change summit Glassgow matapos siyang payuhan na magpahinga ng kanyang mga doktor.
Gayunman, ang kanyang anak na lamang na si Prince Charles ang siyang maglalagak ng bulaklak para sa mga namayapa nilang mga sundalo katulad ng sa mga nakalipas na taon.