Balik na sa kaniyang royal duties si Queen Elizabeth, apat na araw mula ng mamatay ang kaniyang asawang si Prince Philip.

Ito rin ang araw na bumaba na ang reyna bilang Lord Chamberlain.

Queen Elizabeth

Sinabi ni Prince Andrew, makikita pa rin sa mukha ng reyna ang sobrang kalungkutan sa pagkawala ni Prince Philip lalo pa’t nasanay ito na kasa-kasama ang kaniyang asawa sa loob ng 69 na taon mula ng maging reyna ito.

Kung maalala, ikinasal sina Prince Philip at Queen Elizabeth noong taong 1947.

Naniniwala naman ang mga aide at royal experts na sa kabila ng pagkawala ni Prince Philip at may kulang na sa buhay ng reyna, hindi pa rin nito bibitawan ang trono na magiging pabor sa kaniyang anak at tagapagmana na si Prince Charles.

Si Queen Elizabeth ang pinakamatanda at pinakahabang namumuhay na reyna ng buong mundo.