Tila magiging pribado lang ang pagdiriwang nina Queen Elizabeth at Prince Philip sa kanilang 73rd wedding anniversary ngayong Biyernes.

Ito’y dahil nasa ilalim pa ng lockdown ang England kaya hindi muna makapagtipon-tipon kasama ang malaking angkan.

Nov. 20, 1947 nang ikinasal ngayo’y 94-year old Queen at 99-year-old Duke of Edinburgh o dalawang taon matapos ang World War Two.

Sa official photo ng Buckingham Palace, makikita ang masayang aura ng ng royal couple habang tinitignan ang anniversary card na gawa ng kanilang great-grandchildren na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis.

Nakatanggap din naman sila ng mula sa iba pang nagpadala ng cards at letters.