Gugulong na ang imbestigasyon ng Department of Environmenr and Natural Resources (DENR) laban sa quarry operations sa Rizal makaraan ang paghaba na naranasan nito at gayundin ang Marikina City noong nakaraang buwan.
Ito’y kasunod na rin ng pagsuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Region 4A ng halos 11 quarry at crushing plant operators sa Marikina River Basin.
Ayon sa ahensya, bumuo ito ng apat na composit teams na mayroong aerial mapping drones na pagtutuunan ang quarry operations sa river basin.
Dahil kasi sa malakas na ulan na dala ng bagyong Ulysses ay tumaas ng 22 metro ang lebel ng tubig sa Marikina River. Di-hamak na mas mataas ito noong 2009 dahil naman sa Bagyong Ondoy.
Kasama sa 11 kumpanya na sinuspinde ng MGB ay ang limang kumpnya na mayroong mineral production sharing agreements (MPSAs): Asensio-Pinzon Aggregates Corporation, San Rafael Development Corporation, Montalban Millex Aggregates Corporation, Hardrock Aggregates, Inc., at Rapid City Realty and Development Corporation.
Ang ginawang pagsuspinde ng ahensya sa operasyon ng mga kumpanya ay tatagal hanggang sa makumpleto na ng composite teams ang kanilang isasagawang assessment.