-- Advertisements --

Kalahati ng mga kamara sa quarantine facilities sa Metro Manila na inilaan para sa COVID-19 cases ang okupado na sa harap nang surge ng infections, ayon kay isolation czar Public Works Secretary Mark Villar.

Sa ngayon, mataas aniya ang usage ng mga quarantine facilties sa Metro Manila na umaabot sa 50% na, subalit sa ibang mga lugar naman ay hindi pa masyadong mataas.

Sinabi ni Villar na ang national average sa ngayon pagdating sa mga kama sa quarantine facilities ay pumapalo pa lang sa 16%.

Nangako naman ang kalihim na patuloy na dadagdagan ng pamahalaan ang kapasidad ng mga COVID-19 quarantine facilties.

Nabatid na sa ngayon ay 602 facilities na ang naitayo, na mayroong total bed capcity na 22,352.

Target nilang maitaas ang bilang na ito sa 720 facilties na mayroong total bel capacity na 26,099 pagsapit ng Abril.