-- Advertisements --

Napuno na raw ang quarantine facilities para sa mga returning overseas Filipinos (ROFs) dahil sa biglaang paglobo ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Bureau of Quarantine (BOQ) deputy director Dr. Roberto Salvador Jr., ang pagdami ng infections ng mga papabalik sa bansa na mga Pilipino ay naramdaman pa noong December 2021.

Aniya, noon pang ikalawang linggo ng Disymebre ay mayroon nang 80 hanggang 100 ROF ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, hindi na raw alam ng BOQ kung saan nila dadalhin ang mga nagpositibo nating mga kababayan.

Karamihan na raw sa ngayong mga returning Filipinos ang nagbabayad ng kanilang accommodation sa mga quarantine hotels gamit ang kanilang sariling pera.

Kung maalala ang mga ROFs na mayroong negative RT-PCT test results at mayroon ding vaccination cards kailangan pa rin nilang kumpletuhin ang five-day quarantine.

Para sa mga wala namang requirements ay kailangan nilang sumailalim sa pitong araw na quarantine.

Samantala, nadagdagan pa raw ang bilang ng kanilang mga personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Sa n gayon nasa 60 personnel ng bureau ng tinamaan ng nakamamatay na virus.

Pati umano ang opisyal ay naka-quarantine din matapos tamaan ng COVID-19.