Punuan na ang quarantine facilities ng Philippine Army na kasalukuyang ginagamit bilang pansamantalang tirahan ng mga locally stranded individuals (LSIs).

Ayon kay Army spokesperson Colonel Ramon Zagala, kasalukuyang 344 LSIs ang nananatili sa kanikanilang mga quarantine facilities.

Sinabi ni Zagala na 34 LSIs ang umalis na sa kanilang mga pasilidad ngayong araw, pero 113 iba ang nasa proseso sa ngayon para pumalit sa mga ito at doon manatili.

Kaya payo ni Zagala sa mga babiyahe na tumawag muna sa kanikanilang mga airlines para i-confirm ang kanilang flight schedule bago pumunta ng airport o sa palisidad ng Army.