-- Advertisements --

Muling palalakasin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga Quarantine Control Points (QCPs) ngayong holiday season lalo at may banta na naman ng Covid-19 Omicron variant.


Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ngayong patuloy ang pagbaba ng Covid-19 cases sa bansa, niluwagan muna nila ang mga quarantine control points at inilagay muna ang mga ito sa mga lugar na may mas mataas na alert level status.

Ang NCR kasi ngayon ay nasa alert level 2 kaya maluwag ang quarantine restrictions.

Sinabi ni Carlos, ibabalik ng PNP ang paglalagay ng mga quarantine control points sakaling ilagay muli sa alert level 3 o 4 ang ilang mga lugar sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Carlos dahil sa panibagong omicron strain ng Corona virus.

Aniya ilalagay ang mga quarantine control points sa mga matataong lugar para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng virus.

Sinabi pa ni PNP Chief, isa rin sa magiging dahilan nila ng pagbabalik muli ng mga quarantine control points ay ang papalapit na christmas season kung saan inaasahan nilang maraming lalabas ng bahay.

Matatandaang bahagyang binawasan ng PNP ang paglalagagay ng mga QCPs nang ibaba ang covid alert level sa bansa.