-- Advertisements --
JOE BIDEN PRESIDENT

Kinansela ang nakatakdang Quad leaders summit sa Sydney na idaraos sana sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ipagpaliban ni US President Joe Biden ang kaniyang pagbiyahe patungong Australia dahil sa kinakaharap ngayon na isyu ng pagtatakda ng debt ceiling bunsod ng lumulubong utang ng Amerika.

Sa halip, ayon kay Australian Prime Minister Anthony Albanese na magkikita ang mga Quad leaders ng apat na bansa kabilang ang India , Japan, Australia at US sa Group of 7 (G7) sa Japan ngayong weekend.

Ang Quad ay isang informal group na nagtataguyod ng isang malayang Indo-Pacific. Subalit para sa Beijing, itinuturing nito ang Quad bilang isang pagtatangaka ng pagpigil sa lumalawak na impluwensiya nito sa rehiyon.