Sinimulan na ng Quezon City ang pagsasagwa ng simulation exercise ng automated coronavirus disease vaccination program nito.
Gamit ang application na EzVax ay digitalized at magiging centralized na ang pre-screening at scheduling ng pagbibigay ng bakuna sa mga health care worker.
Sa pamamagitan din ng parehong application ay malalaman ang medical history ng isang pasyente at schedule kung kailan ito tatanggap ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Samantala, inatasan naman ni Mayor Joy Belmonte ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) at mga barangay officials na paigtingin pa ang mga hakbang sa pagpapatupad ng minimum health protocols.
Binigyang-diin pa ng alkalde na malaki ang maitutulong ng health protocols para kontrolin ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Kasalukuyang may 1,007 active COVID-19 cases ang naturang lungsod at ito rin ang may mataas na percentage ng recovery rate na aabot ng 94 percent o 30,605 recoveries.
Mahigit 800 indibidwal naman ang namatay.