-- Advertisements --
Pinabulaanan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga lumabas na ulat na pumanaw na umano ang ama nito na si dating House Speaker Sonny Belmonte.
Sinabi nito na buhay at nananatiling nasa mabuting kalagayan ang kaniyang ama.
Pinasalamatan nito ang mga agad na nagparating sa kaniya ukol sa maling balita.
Nanawagan ito sa mga mamamayan na huwag agad maniwala sa mga ‘fake news’ na kumakalat lalo na sa social media.