-- Advertisements --
joyb1

Lumabas na ang resulta ng mga nanalong mayor sa 17 siyudad at isang munisipalidad sa NCR.

Isa-isa nang iprinoklama ang mga nanalo sa mga lokal na posisyon sa Metro Manila, na karamihan ay mga dati nang mukha sa politika.

Kagabi May 10,2022, iprinoklama na si Quezon City incumbent Mayor Joy Belmonte.

Sa Pasig City, si Mayor Vico Sotto panalo via landslide.

Panalo rin sa San Juan City ang incumbent mayor na si Francis Zamora.

Sa Caloocan City panalo ang dating congressman na si Along Malapitan.

Sa Las Pinas naman muling nahalal na mayor si Imelda Aguilar.

Mananatili ring alkalde ng Makati City si incumbent Mayor Abby Binay.

Habang si dating vice mayor na si Jeannie Sandoval ang bagong mayor ng Malabon.

Sa Maynila panalo si Vice Mayor na si Honey Lacuna, siya ang magiging unang babaeng alkalde sa kasaysayan ng Manila.

Panalo din si re-electionist na si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina.

Sa Mandaluyong City panalo bilang Mayor si Benjamin Abalos Sr., una ng naging mayor ang 86-anyos na si Abalos nuong 1989 hanggang 1997.

Panalo naman sa botohan sa pagka mayor ng Muntinlupa city ang incumbent congressman na si Ruffy Biazon.

Si Cong Rey Tingco naman ang panalo mayoral race sa Navotas.

Kapareho ito sa sitwasyon sa Paranaque City kung saan nangunguna sa mayoral race si Cong. Eric Olivarez.

Sa pasay City panalo si Mayor Emi Calixto- Rubiano.

Panalo naman si Mayor Ike Ponce ng Pateros ang kaniyang ikatlong termino.

Na proklama na rin si re-electionist mayor ng quezon city si Mayor Joy Belmonte iprinoklama na rin bilang mayor ng taguig si Lani Cayetano.

Habang si incumbent Congressman Wes Gatchalian ang iprinoklamang Mayor ng Valenzuela.