-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nakabili sila ng nasa P13-milyong halaga ng anti-pertussis vaccines at gamot.
Ang nasabing bakuna ay gagamitin para sa mga batang anim na buwan pataas na hindi pa nababakunahan.
Ayon sa alkalde na ang hakbang ay para hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.
Plano nilang bumili pa ng mas marami lalo na at nagkukulang ng suplay ng gamot ang gobyerno.
Pagdating aniya ng mga gamot ay agad nila itong ipinadala sa mga barangay health centers.
Magugunitang nagtala ang nasabing lungsod ng 41 kaso ng pertussis na may anim na bata ang nasawi.