Magtutulungan na ang Quezon City government at House of Representatives para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Sinabi nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Speaker Lord Allan Velasco na magbibigay sila sa QC Epidemiology and Surveillance Unit ng kopya ng mga kaso ng COVID-19 cases sa House para sa contact tracing purpose.

Inatasan na rin ni Velasco ang team-in charge na ihanda ang comprehensive report sa resulta ng mass testing na isinagawa sa kongreso at isumite sa city government.

Pinasalamatan din ni Belmonte si Velasco dahil sa pagkusa nito sa pakikipagtulungan sa kanila.

Magpapadala ang city government ng mobile testing unit para isagawa ang swab tests sa mga empleyado ng House of Representatives.

Kung saan mayroong inilaan na rin ang city government ng isolation area para sa mga nagpositibo ng virus.

Umaabot na rin aniya sa 28 ang nadapuan ng COVID-19 sa Kamara.