-- Advertisements --
Gumagawa na ng paraan ang Qatar para mapalaya ang mga bihag ng Hamas militant group.
Ayon sa isang US officials na nakipagpulong ang prime minister ng Qatar sa mga lider ng Hamas para sa pagpapalaya sa mga bihag nila.
Mahigpit ang ugnayan nina Secretary of State Antony Blinken at Assistant Secretary of State for Near Eastern Affairs Barbara Leaf sa mga opisyal ng Qatar.
Naniniwala ang US na may kakayahan ang Qatar na mamamagitan para tuluyang mapigilan ang mga Hamas militant sa kanilang pag-atake.