-- Advertisements --

Sa score na 25-9, 25-13, 25-21, tinalo ng PLDT High Speed Hitters ang Farm Fresh Foxies sa laban nito ngayong gabi sa Ynares Center Antipolo. 

Dahil dito, umaariba sa ranking ang PLDT na may 5-1 slate kapareho ng Choco Mucho Flying Titans at ng defending champion na Creamline Cool Smashers. 

Itinanghal namang player of the game ang middle blocker ng High Speed Hitters na si Majoy Baron matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 7 attacks, 2 blocks, at 2 aces. 

Sa April 2 pa ang susunod na laban ng naturang kuponan kontra Akari Chargers sa Philsports Arena.