Hindi na itinanggi pa ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na nagkaroon ng accidental firing sa loob ng Comelec command center sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ayon kay Jimenez, nangyari ang insidente nang magpalit ng panggabi mula sa panghapong security force ng Comelec sa loob mismo ng National Canvassing Center.

Dagdag ni Jimenez, nagri-reload umano ang isa sa mga guwardiya nang aksidenteng pumutok ang service firearm nitong kalibre 40.

Masuwerte naman umanong walang nasaktan sa insidente.

Kaugnay nito, pinawi ni Jimenez ang pangamba ng publiko na sinadya ang naturang insidente para isabotahe ang halalan.