Tahasang inakusahan ni Russian President Vladimir Putin ang Ukraine na sinadya nila ang pagpapasabog ng tulay na nagdurugtong sa Russia at Crimea.
Sinabi nito na ang ginawang pagpapasabog ay isang uri ng terorismo.
Malinaw aniya na ito ay kagagawan ng mga sundalo ng Ukraine na isang gawain ng mga terorista dahil sa pagsira sa mga mahalagang daaanan ng mga sibilyan.
Nakipagpulong na rin ito kay Alexander Bastrykin ang namumuno sa Investigative Committee ng Russia para sa patuloy na imbestigasyon at naganap na pagpapasabog sa tulay.
Ang tulay sa Kerch Strait ay siyang pangunahing ruta ng Russia sa na nagdadala ng mga suplay sa mga sinakop nilang lugar sa southern Ukraine.
Isa rin itong pangunahing artery ng port of Sevastopol kung saan nakabase ang Russian Black Sea fleet.
Sinabi naman ni Crimea Russian governor Sergei Aksyonov na manageable pa naman ang sitwasyon dahil sa nakakaraan pa ang mga sasakyan.