-- Advertisements --
Tinanggap na ni Russian President Vladimir Putin ang imbitasyon ni North Korean leader Kim Jong Un na bumisita sa kanilang bansa.
Ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na kanilang aayusin ang nasabing pagbisita na ito ni Putin.
Makakasama nito sa nasabing pagbisita si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov.
Maaring isagawa ang nasabing pagbisita ni Putin sa North Korea sa buwan ng Oktubre.
Magugunitang bumisita ang North Korean leader sa Russia kung saan tinalakay nila ang mahigpit na ugnayan ng dalawang bansa.