-- Advertisements --
Pinapa-activate na ng Russia ang kanilang 300,000 reservist matapos ang pagkatalo nil asa Kherson, Ukraine.
Isinagawa ang anunsiyo matapos ang pag-alis na ng mga sibilyan sa nasabing lugar.
Patuloy din ang ginagawang pagbawi ng mga sundalo ng Ukraine sa lugar mula sa kamay ng mga sundalo ng Russia.
Ang Kherson na mayroong halos 300,000 populasyon ay isa sa mga lugar na unang nasakop ng Russia mula ng lusubin nila ang Ukraine noong Pebrero.
Ayon kay Russian Defense Minister Sergei Shoigu ana mayroong 82,000 recruits ang nasa Ukraine na at 41,000 sa mga dito ay mga nakatalaga sa Russian military.