-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapalakas ng kanilang paggawa ng mga armas na pandigma.
Sinabi nito na ipinag-utos niya ang agaran at dapat bigyang prioridad ang pagpapabilis ng paggawa ng mga armas.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa pulong niya sa board of Prosecutor General’s Office ng Russia.
Iginiit nito na patuloy ang pagpapatibay ng Russia ng soberanya ng kanilang bansa.
Inatasan niya ang prosecutors ang pagbabantay ng paggawa ng mga makabagong armas.