-- Advertisements --

Walang umanong intensiyon ang Russia na mag-deploy ng nuclear weapons sa kalawakan ayon mismo kay Russian President Vladimir Putin. 

Ito ay matapos sabihin ng White House na nakakuha umano ng anti-satellite weapon ang Russia. 

Para kay US National Security Spokesperson John Kirby, labag umano ito sa international outer space treaty. 

Kabilang kasi ang Russia sa 130 na bansa na pumirma sa kasunduan na nagbabawal sa pag-deploy ng nuclear weapons o kahit anong weapons na pwedeng maging sanhi ng mass destruction.

Binigyang-diin naman ni Putin na malinaw sa kanilang panig ang pagtutol sa deployment ng nuclear weapons sa kalawakan. Kaya maaaring sinabi lamang umano ito ng White House para mapilitan ang US Congress na ipasa ang panukalang batas na magbibigay ng tulong-pinansiyal sa Ukraine.