-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang panghihikayat ni Russian President Vladimir Putin sa mga negsoyante ng kaniyang bansa na huwag umalis.
Sinabi nito na dapat huwag mawalan ng pag-asa ang mga negosyante at ituloy lamang ang kanilang negosyo.
Iginiit nito na mas ligtas ang pag-nenegosyo sa kanilang bansa dahil maraming mga Russian businessmen ang nalugi ng sila ay umalis at sa ibang bansa naglagak ng kanilang negosyo.
Isinagawa ng Russian President ang panawagan sa ginanap na economic conference sa St. Petersburg.
Magugunitang mula ng sakupin ng Russia ang Ukraine ay maraming mga negosyo ang umalis at nagsara dahil sa kontra sila sa ginawa ng Russia.