-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan si Russian President Vladimir Putin ng mapayapang pakikipag-usap sa Ukraine, US at Europe.

Sinabi nito na mangyayari lamang ito base sa kanilang national interest.

Giit nito na hindi nila ibibigay ang alam nila na sa kanila at wala silang balak na maglunsad ng giyera sa Europa.

Kinokontrol kasi ng Russia ang 17.5 percent ng teritoryo na kinikilala sa buong mundo bilang bahagi ng Ukraine ng bumagsak ang Soviet Union noong 1991.

Magugunitang noong Pebrero 2022 ng lusubin ng Russia ang Ukraine kung saan inangkin ang ilang bahagi ng nasabing bansa.