-- Advertisements --
Nagpahayag si Russian President Vladimir Putin ng kahandaan para makipag-negosasyon para matigil na ang giyera nila ng Ukraine.
Ayon sa Russian President na tanging ang Ukraine at ang mga bansang sumusuporta sa kanila ang tila ayaw makipagsundo sa usapin.
Anumang uri ng solusyon para sa pagpapatigil ng kaguluhan ay bukas ang Russia na tanggapin ito.
Inakusahan pa nito ang US na sila ang nagiging dahilan kaya lalong tumatagal ang giyera.