-- Advertisements --

Binantaan ni Russian President Vladimir Putin na mabubura ang mga bansang magtatangkang umatake sa kanila.

Dagdag pa nito na mapipilitang silang gamitin ang kanilang makabagong hypersonic weapons kapag sila ay inatake.

Hindi na rin aniya kailangan na magtawag ng dagdag na sundalo para labanan ang Ukraine.

Magugunitang unang sinabi ni Putin na wala silang planong gumamit ng anumang nuclear weapons dahil sa alam nila ang magiging malawak na epekto nito.

Iginiit pa rin nito na ang pag-atake sa Ukraine ay bilang pagganti lamang nila dahil mga ginawa sa kanila ng Ukraine.