-- Advertisements --

Binalaan ni Russian President Vladimir Putin ang mga Western countries kapag itinuloy nila ang pagpapadala ng mga sundalo sa Ukraine.

Sinabi nito na hindi sila magdadalawang isip na gumawa ng hakbang na hindi magugustuhan ng mga bansa kapag itinuloy nila ito.

Isinagawa ni Putin ang pahayag sa kaniyang state of nation address kung saan inakusahan nito ang mga West countries sa arms races.

Iginiit nito na ang mga Western countries ang nag-udyok sa kaguluhan nila ng Ukraine.

Magugunitang iminungkahi ni French President Emmanuel Macron na magpadala ng mga sundalo sa Ukraine para tuluyang masupil ang ginagawang paglusob ng Russia sa lugar.

Hindi naman sinang-ayunan ito ng European Union at ilang bansa dahil lalong magdudulot umano ito ng paglala ng sitwasyon sa lugar.