Screenshot 2019 06 07 14 20 11
-- Advertisements --

Tuluyan nang inalis ng Department of Trade and Industry (DTI) ang purchase limits sa halos lahat ng basic goods maliban na lamang sa alcohol, sanitizer, disinfecting liquid, at face masks.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, nagkaroon ng adjustment sa polisiya sa pagbili ng basic goods para maiwasan ang panic buying sa gitna ng COVID-19 pandemic matapos na bumuti ang supply ng mga items na ito.

Ayon kay Lopez, maari nang makabili ngayon ang mga consumers ng isang box ng face mask mula sa dating limit na limang piraso lamang.

Para naman sa alcohol, maari na aniyang makabili ng limang bote ng tig-isang litro na containers, habang tatlong bote naman kapag higit sa isang litro ang kada container.

Mababatid na noong Marso ay inilabas ng DTI ang Memorandum Circular No. 20-07 para maiwsan ang panic-buying at hoarding sa gitna ng COVID-19 pandemic at noong ipinatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

-- Advertisement --