Idineklara na ring persona non grata sa Cebu City ang drag artist na si Pura Luka Vega.
Kasabay ng resular session kahapon, Agosto 16, nagpasa ng isang resolusyon ang Cebu City Council na nagdeklara kay Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na pangalan bilang persona non grata.
Ang resolusyon na ipinasa ni Konsehal Pastor ‘Jun’ Alcover Jr. ay inaprubahan ng konseho at walang pagtutol.
Sa kanyang resolusyon, inilarawan ni Alcover na ‘highly offensive’ ang kontrobersyal na ‘Ama Namin’ (The Lord’s Prayer) remix at performance ni Pagente.
Nauna na ring idineklara si Pagente bilang persona non grata sa maraming lokalidad sa Pilipinas, kabilang ang kabisera ng Maynila, kasunod ng kanyang drag art performance noong Hulyo.
Ang Cebu City naman ang unang local government unit sa Central Visayas na nagpataw ng persona non grata kay Pagente.