ROXAS CITY – Sinampahan na ng kasong Rape ng Provincial Prosecutor’s Office ang punong barangay ng Barangay Poblacion, bayan ng Dumalag, Capiz.

Ito ay kasunod nang panggagahasa ni Punong Barangay Sebastian Philip Michael Salazar sa “school girl” ng kanilang pamilya na si alyas Inday.

Nang pinuntahan ng investigative section ng Bombo Radyo Roxas ang pamilya ng biktimang si alyas Inday, nabatid na matinding trauma umano ang naidulot ng naturang pangyayari sa biktima.

Napag-alaman na Abril nang namasukan ang biktima bilang “school girl” sa pamilya Salazar upang maitawid ang kanyang pag-aaral.

Nalaman rin na tatlong linggo na mula nang umalis ang biktima sa pamamahay ng pamilya Salazar na umabisong uuwi muna sa kaniyang mga magulang ngunit hindi na ito nakabalik pa.