ROXAS CITY – Hustisya ngayon ang pinagsisigawan ng isang senior citizen na pinagmumura, tinutukan ng baril at tinapik sa likod ng punong barangay ng Barangay Casanayan, Pilar, Capiz.

Nangyari ang insedente habang papunta sa wet market ng Barangay Casanayan, Pilar ang 73-anyos na si Sevilla Ruada ng Barangay San Antonio, Pilar para magtinda ng hinarvest na mga gulay.

Hindi inaasahan ang malakas na pagbusina ng motorsiklo ni Kapitan Cesar Boy Bermejo.

Sa gulat ng matanda ay napasigaw ito ng sungkit sungkit sungkit sungkit, dahilan para ihinto ng opisyal ang kanyang motorsiklo.

Lumapit ito sa matanda at pinagmumura si Ruada at hindi pa nakuntento ang opisyal ay tinutukan pa niya ito ng baril at malakas na tinapik ang likod sabay banta na ipakukulong niya ito.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo na kaya nagalit si Kapitan Bermejo dahil bansag o kumpil pala niya ang salitang binitiwan ni Nanay Ruada ng ito ang magulat sa malakas na busina ng motorsiklo ng opisyal.