-- Advertisements --

Naging produktibo ang ginawang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay French President Emmanuel Macron sa sideline ng sia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa Thailand.

Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinalakay ng dalawa ang usapin sa agrikultura, enerhiya at defense.

Ayon sa pa OPS na nagpakita ng interest ang Pangulong Marcos na makipag-partner sa France sa nuclear energy dahil sa naging malawak ang karanasan nito sa nuclear energy.

Matapos ang pakikipagpulong ni Marcos kay Macron na isinagawa sa Queen Sirikit National Convention Center ay nakipagpulong din ito kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.