Binuksan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang lamang kurso upang lalo pang mapabuti ang kakayahan ng mga operatiba nila sa iba’t-ibang larangan.
Pinangunahan ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagbubukas ng mga bagong Special Action Force (SAF) training courses sa isang simpleng seremonya sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Kabilang sa mga kursong binuksan ay ang Special Action Force Commando Course, SAF Basic Airborne Course, Basic Mechanized Operation Course, SAF Sniper Course, Intelligence Basic Course, at Parachute Packing Course.
Samantala, nangako naman si Azurin na mas pahuhusayin pa ng pulisya ang operational capability ng Special Action Force upang magampanan nila nang buong puso ang kanilang tungkulin sa publiko at ilalaan ang kanilang mga sarili na maging epektibong miyembro ng pambansang pulisya.