NAGA CITY – Sugatan ang isang pulis matapos makasagupa ang grupo ng pinaghihinalaang New People’s Army (NPA) sa Bula, Camarines Sur.

Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nasa gitna ng operasyon ang 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company ng pulisya nang makaharap ang nasa 20 rebelde sa bahagi ng Brgy. Itangon.

Nagtamo ng tama ng baril ang pulis na si police S/Sgt. Jerry De Lima, 39.

Na-recover mula sa crime scene ang isang baril, mga basyo ng magazine, tear gas at eksplosibo.

Sa ngayon nagpapatuloy ang clearing operation sa pinangyarihan ng engkwentro.