BACOLOD CITY – Patay ang isang pulis at bestfriend nito kasunod ng nangyaring accidental firing umano sa Victorias City, Negros Occidental, ilang oras bago ang pagsalubong ng Pasko.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Jonel Lutaw, 26 ng Batus Brillantes, Brgy. 1; at James Carl Hernal, 26, single, ng Estrella Village, Brgy. 6, Victorias City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa hepe ng Victorias City Police Station na si Police Lt. Colonel Mary Rose Pico, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa Brgy. 21 nang aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang dalawa, dakong alas-8:00 ng gabi.

Ngunit sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Victorias Police Station sa totoong pangyayari dahil dalawa ang namatay at tutukuyin din kung kaninong baril ang pumutok.

Ngayong araw ay nakatakdang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ni Hermal.

Narekober naman sa crime scene ang isang .9mm caliber pistol.