Patay ang isang aktibong pulis sa isinagawang drug buy bust operation ng kaniyang mga kapwa pulis sa Sitio ilang-ilang Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna kaninang alas-8:30 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si PO3 Jennyson Serrano, 45, nakatalaga sa Laguna PPO, at residente ng Pagsanjan, Laguna.

Ayon kay S/Sup. Eleazar Matta, provincial director ng Laguna PNP, nagsagawa ng Joint Anti Drug Operation ang mga tauhan ng Laguna PIB/DEU, at Sta Cruz M0PS laban sa suspek dahil sa sumbong ng mga residente.

Agad umanong bumunot ng baril at nagpaputok si Serrano nang napansin na isang pulis ang kaniyang nakatransaksyon na nakabili sa kaniya ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P7, 000 piso.

Rumesbak naman ang mga police operatives kaya napatay daw si Serrano.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang caliber 9mm na baril.

Batay sa report si Serrano, protektor umano ng iligal na droga si Serrano sa 4th district ng lalawigan ng Laguna.