CENTRAL MINDANAO- Binaril at napatay ng di pa nakilalang suspek ang isang pulis habang nagbabantay sa quarantine checkpoint sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Arnold Paclibar.
Sugatan naman sa kamay si Police Staff Sergeant Chato Maycong, Barangay Health Worker na si Josephine Danggan at barangay tanod na si Arnel Saldo.
Ayon sa ulat ng Esperanza PNP na si EMS Paclibar ay binaril ng lalaki na hinarangan nila sa PNP Quarantine checkpoint sa Brgy Poblacion Esperanza Sultan Kudarat habang abala sa pag-inspeksyon sa mga dokumento ng sinakyan nitong motorsiklo.
Tinamaan sa ulo si Paclibar at agad binawian ng buhay habang sugatan sa kamay ang babaeng pulis na nakipagbarilan sa suspek na mabilis na tumakas.
Nagtamo rin ng sugat ang Barangay Tanod at Brgy Health Worker.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pursuit operation ng Esperanza PNP laban sa suspek.
















