-- Advertisements --

Patay sa buy bust operation ang isang pulis na umano’y tulak ng iligal na droga.

Ayon kay Philippine National Police Police (PNP) Regional Office-4A spokesperson P/Supt. Chit Gaouiran, nagsagawa ng buy bust ops kaninang alas-7:35 ng umaga ang pinagsanib na puwersa ng Counter-Intelligence Task Force (CITF), Philippine Drug Enforcement Agency, at Quezon-Police Provincial Office (PPO), sa Barangay Pilaway, Infanta, Quezon, laban kay PO2 Ian Rey Abitona.

Batay sa report, nanlaban ang suspek na pulis kaya nagresulta sa engkuwentro.

Nagsimula ang nasabing operasyon nang makatanggap ng mensahe ang CITF na ang pulis ay protektor at dealer daw ng shabu sa bayan ng Infanta.

Ginagamit umano ni Abitona ang kaniyang civilian asset sa lag recycle ang mg nakukumpiskang iligal na droga.

Suspek din ito sa pagpatay sa mismong asset nito.

Batay sa isinagawang coordinasyon at validation sa mga intel officer at Quezon-PPO, si Abitona ay positibong sangkot sa illegal drug trade kung kaya sinibak sa Infanta-Municipal Police Office at itinalaga bilang desk officer.

Pero patuloy pa rin ito sa kaniyang iligal ba aktibidad.