-- Advertisements --
Kinasuhan na ng dating Louiseville police officer na bumaril sa black American na si Breonna Taylor.
Inanunsiyo ni Kentucky Attorney General Daniel Cameron na makasuhan ng three counts of wanton endangerment in the first degree si Brett Hankison.
Habang hindi naman nakasuhan ang dalawang kasamahan nito na sina Sgt. John Mattingly at Det. Myles Cosgrove.
Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa matapos ang anim na buwan ng pagbabarilin ang 26-anyos na Emergency Medical Technology sa kaniyang bahay matapos na magsagawa ng anti-drug operations ang mga kapulisan.
Pinagbibitiw naman ng mga protesters mula sa Louiseville si Cameron matapos na hindi nakasuhan ang dalawang kapulisan na sangkot sa insidente.










