-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang pulis na nahuling nagpuslit ng kahong-kahong alak sa Sta Barbara, Iloilo.

Nakilala ang pulis na si PSSGT Paul Pinggoy, na nakadestino sa Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 6.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol Lt Col Gilbert Gorero, Acting Public Information Officer ng Police Regional Office 6, sinabi nito na nahaharap sa kasong administratibo si Pinggoy.

Mismong ang Police Regional Office 6 ang naghain ng kaso laban kay Pinggoy.

Samantala, pinapurihan naman Gorero ang mga kapwa pulis na nasa quarantine checkpoints dahil sa kanilang naging performance.