CEBU CITY – Nahaharap sa kasong criminal at administratibo ang isang pulis sa Cebu City matapos umanong magnakaw ng mga baril na naka safekeeping sa isang police station ng nasabing lungsod.

Kinilala ang naturang pulis na si Police Corporal Marlito Portugueza, assistant investigator ng Waterfront Police Station na tinuturong nagbenta ng mga baril na nakatago sa isang vault.

Ayon sa hepe ng Waterfront Police Station na si Police Major Jomar Pomarejos, aabot sa labingdalawang loose firearms ang nawala sa evidence room at nakatakda sanang i-renew ang lisensiya ng mga ito.

Naibalik na ang anim sa mga ito samantalang hinahanap pa ang iba pang anim na mga baril.

Nakakulong na sa lock-up cell ng Cebu City Police Office ang nasabing police officer na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Kaugnay nito, ikinalungkot ng pulisya ang pangyayari at tiniyak ng mga opisyal na hindi ito-tolerate ang nasabing mga gawain.