Hawak ngayon ng mga otoridad ang puganteng French national na wanted dahil sa mga krimen sa kanilang bansa na may kinalaman sa droga.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) Cheif Bobby Raquepo, ang suspek ay kinilalang si Julien Barbier, 39-anoys na inaresto sa Clark International Speedway sa Mabalacat City, Pampanga.
Aniya, naaresto si Barbier kasunod ng official communication na natanggap nila mula sa mga otoridad sa France.
Ibinunyag ni Raquepo na mino-monitor si Barbier ng Interpol mula 2018 dahil sa hindi raw otorisadong transport, retention, offer, sale, acquisition ng iligal na droga na paglabag sa French Penal Code.
Mayroon ding inilabas na warrant of arrest ang Tribunal de Grande Instance de Paris sa suspek noong Agosto 2017, habang mayroon ding European warrant of arrest na inisyu sa kanya noong September 2017.
Dagdag ni Raquepo, nakatanggap din ang mga ito ng impormasyong sangkot sa illegal bank fraud syndicate ang suspek sa Pampanga at Cebu.
Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3, Angeles District Field Unit (CIDG RFU3, CFU), Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines-Military Intelligence Group 41 (ISAFP MIG41) and the National Capital Region Police Office-Regional Special Operations Group.
“Upon receipt of information about his crimes, the Commissioner immediately issued a Mission Order to effect his arrest. His presence in the country is a risk to public safety and security,” ani Raquepo.
Samantala, kulong din ang dalawang Pinoy na kasabwat ni Barbier matapos masangkot sa panunuhol para raw makalaya sila.
Nag-alok daw ang dalawang Pinoy na sina Aaron Bolus at Joseph Gonzales at ni Barbier ng P1.5 million sa mga otoridad na umaresto sa kanila para hindi na sila makulong.
“He, along with two Filipino cohorts, offered P1.5M in exchange for his liberty,” shared Raquepo. We immediately informed the Commissioner about this, and he instructed us to coordinate with the CIDG to be able to arrest the two others for this crime. We thank our fellow law enforcers for assisting us in arresting these corrupt men. A certain Aaron Bolus and a Joseph Gonzales were arrested by authorities yesterday during the operations for Corruption of Public Official. A case for Violation of Article 212 of the RPC is being prepared for filing against the arrested suspects,” wika ni Raquepo.
Pinuri naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang effort ng FSU para maaresto si Barbier at ng kanyang mga kasabwat.
“We are relentless in our drive to eliminate corruption. Let this serve as a warning to anyone considering to attempt to bribe our employees. Never offer bribes, as I have instructed BI personnel to ensure the arrest of whomever would offer money in exchange for letting arrested foreigners go scot free,” ani Morente.