Nananatiling hindi apektado ng tumagas na langis ang dinarayong Puerto Galera at bukas pa rin ito para sa mga turista.
Ito ang pagtitiyak ni Tourism Secretary Christina Frasco.
Sa katunayan nakiisa si Frasco kasama sina Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan at iba pang opisyal sa scuba diving activity sa La Laguna Point sa Puerto Galera para ipakita ang kanilang suporta at mapawi ang pangamba ng publiko na bumisita sa tanyag na local diving spot.
Inihayag din ni Frasco na sa kabila ng mga hamon at kalamidad na kinakaharap ng probinsiya, kabilang ang Puerto Galera at Mindoro ay nananatili pa ring isang napakagandang tourist destination sa bansa.
Una ng sinabi ng inihayag ng University of the Philippines Marine Science Institute na maaaring umabot ang tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa Puerto Galera at Batangas.
Nauna na ring sinabi ni Frasco na nasa 66 tourist attractions ang apektado na ng oil spill habang nasa 1,400 tourism workers naman ang apektado ang kanilang kabuhayan.
Bilang tulong, nangako ng commitment ang DOT na magbibigay ng training programs para sa mga apektadong tourism workers sa munisipalidad ng Gloria, Pinamalayan, Naujan, San Teodoro, Pola, Bulalacao, Mansalay, at Calapan City.
Magbibigay din ang DOT ng P2 million para sa bawat apektadong lokala na pamahalaan para sa tourism-related project sa ilalim ng Tourism Infrastructure and Economic Zone Authority (TIEZA)