Pinapaalalahanan ng Philippine Medical Association ang publiko na patuloy pa ring sundin ang health protoocls kahit pa nabakunahan kontra COVID-19 vaccines.
Bukod dito, sinabi ng presidente ng naturang grupo na si Dr. Benny Atienza na dapat ay kumpletuhin din ng mga magulang ang bakuna ng kanilang mga anak laban sa iba pang mga sakit.
Sa ngayon, sinabi ni Atienza na nagsimula na ang hiring ng Department of Health (DOH) sa mas marami pang mga doktor at medical personnel sakali mang magkaroon ng isa pang surge.
Pero hindi aniya nangangahulugan ito na dapat ay magpakampante na ang publiko sapagkat hanggang sa ngayon ay banta pa rin sa lahat ang COVID-19 lalo na at mayroong mga bagong variants ng sakit.
Napapansin kasi aniya nila na mayroong iba na nagtatanggal ng mask, ng face shield at hindi rin sumusunod sa iba pang health protocols.