-- Advertisements --
vaccine

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna ng COVID-19 booster doses sa gitna ng tumataas na kaso sa bansa.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na kailangang palakasin ang targeted population tulad ng senior citizen dahil 82% pa lamang sa mga ito ang fully vaccinated at 30% pa lamang ang boosted sa target population.

Ipinunto din ni De Guzman na nananatiling pinaka-nangingibabaw na variant sa bansa ang Omicron subvariants.

Iniugnay din ng DOH official ang pagtaas ng mga kaso sa pagtaas ng mobility.

Isa na dito ang ang katatapos lamang na lenten season kung saan maraming mga tao ang naglabasan at nagkikita-kita na humantong sa naitalang bagong mga dinapuan ng virus sa nakalipas na mga linggo.

Una ng nilagdaan ng DOH ang guideliens para a paggamit ng ikalawang covid-19 booster sa pangkalahatang populasyon.

Ang mga eligible na makatanggap ng ika-apat na bakuan ay ang mga edad 18 pataas, pregnant at lactating women at immunocompromised individuals.