-- Advertisements --
image 258

Nagbabala ang Task force na pinangungunahan ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko na paglabag sa Anti-Terror Law ang bomb threats na maaaring humantong sa 17 taong pagkakakulong.

Ito ay kasunod na rin ng insidente kahapon kung saan nakatanggap ng email ang ahensiya na mayroon umanong itinanim na bomba sa Metro-Rail Transit 3.

Kung kayat agad na inactivate ang Inter-Agency Task Force at dineploy sa train station para tiyakin ang seguridad ng publiko.

Sa ilalim din aniya ng Presidential Decree 1727, may kalakip na parusang pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang taon o multa na hindi lalagpas sa mahigit P40,000 o pareho.

Una rito matapos ang isinagawang masusing inspeksiyon sa train station,sa kabutihang palad ay walang nadetect na anumang bagay na banta sa mga pasahero.

Sa kasalukuyan, hinigpitan pa ang seguridad sa train stations kahit walang banta habang hinihikayat naman ang publiko na ireport ang anumang nalalamang kahina-hinalang aktibidad na maaaring maglagay sa mga pasahero sa panganib.