Maaari ng humiling ang mga Public Utility Vehicle (PUV) operators ng bagong Fare Matrix o guide kasunod ng pag-apruba ng taas-pasahe na ipapatupad sa Oktubre 3.
Kabilang kasi ito sa ilang kondisyon bago ang implementasyon ng bagong dagdag-pasahe na dapat naka-poste sa loob ng mga PUV.
Ang mga operator na nais na makakuha ng kopya ng fare matrix ay kailangan lamang magsumite ng mga dokumento gaya ng latest LTO Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR), Franchise Verification, kopya ng Provisional Authority para sa mga hindi pa nabibigyan ng kanilang Certificate of Public Convenience at official receipt of payment.
Bukas ang opisina ng LTFRB para sa Fare Matrix requests mula araw ng Lunes hanggang Sabado.
Muling nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga PUV drivers na hindi pa pwedeng magtaas ng pamasahe bago ang Oktubre 3.
Una ng the inapribhaan ang fare increase sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), Modern PUJ (MPUJ), Public Utility Bus (PUB), Transport Network Vehicle Service (TNVS), at Taxi noong September 16, 2022.