-- Advertisements --

Balik Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang apat na araw na state visit nito sa Japan.

Dakong 6:19 nitong gabi ng Biyernes, Mayo 30 ng dumating ang delegasyon ng Pangulo sa kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Isinalarawan ng Pangulo na ang apat na araw na state visit nito sa Japan ay makahulugan kung saan nataon pa ito sa ika-70 anibersaryo ng normalization ng diplomatic relation sa Japan.

Itinuturing din ng Pangulo na isang malaking karangalan ang makasalamuha si Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako sa Imperial Palace sa Tokyo.

Ipinagmalaki rin ni Pangulong Marcos ang mabungang pagpupulong nila ni Japanese Prime Minister Takachi Sanae.

Ibinalita rin ng Pangulo na suportado ng Japan ang kandidatura ng Pilipinas para sa United Nationsl Security Council.

Bukod pa dito ay nakapulong ng Pangulo ang mga Filipinos na naninirahan at nagtatrabaho sa Japan.